Pages

Jan 1, 2011

New Year's Resolution

Nalalapit na ang pagtatapos ng kasalukuyang taon. Ano pa nga ba ang magagawa natin kundi hintayin na naman ang pagpapalit ng taon. Marami sa ating ay nag-iisip na naman ng New Year's Resolution kung tawagin ng ilan. Nakakatuwang marinig ang New Year's Resolution ng mga kababayan nating Pilipino. Mula sa simpleng pagtulog ng maaga at hindi na magpupuyat hanggang sa maghahanap na ng trabaho para makatulong sa pamilya. Ang mga iyan ay ilan lamang sa kanilang pagbabagong gagawin. Masarap isipin kung ang lahat ng resolution natin ay ating matutupad.

Ngunit kung ako ang inyong tatanungin, siguro ay wala pa akong naiisip na talagang resolution. Ang naisip ko lamang ay ang mag-ipon ng mag-ipon para sa gusto kong agarang bilhin. Kahit gaano man kaliit ang iyong ipon sa isang araw, siguradong aabot din iyan sa takdang halaga na gusto mong makamit. Hindi man ngayon, pero darating din ang araw.



Noon pa man ay usong-uso na ang pagpapaputok ng sari-saring paputok, malakas man ito o mahina, napakadelikado nito sa ating mga sarili at sa kalusugan. Maganda ring gawing resolution ang hindi na pagpapaputok tuwing sasalubungin ang bagong taon. Tiyak na matutuwa ang mga nagmamahal sa atin at mga otoridad.

May maiisip din tayong mga resolution na sa tingin natin ay simple pero napakalaking bagay na nito para gumanda ang kinabukasan natin. Bilang pagtatapos, nais kong mag-iwan ng tanong. Ikaw, may naisip ka na bang kakaibang New Year's Resolution?

No comments:

Post a Comment