Pages

Jan 1, 2011

Bass Booster sa Jeepney

Sa ibang lugar ng kamaynilaan, maraming jeep na maganda ang mga dekorasyon para maka-akit ng mga pasahero. Nagmumukhang bago at mabilis ang jeep kapag puno ito ng mga larawan at sound system. Iba't iba ang reaksyon natin kapag nakakasakay tayo sa mga jeep na dumadagundong na sa sobrang lakas ng kanilang stereo. Hindi pa nakokontento at tinataasan pa ang level ng bass booster. Ano ang pakiramdam kapag nakaupo ka na? Minsan kapag naiinis ka na ay gusto mo ng pumara para bumaba. Ang iba naman ay gustong gusto ang may tugtugan sa loob ng jeep. Ang ilang halimbawa sa ibaba ay mga kadalasang kinaiinisan ng mga pasahero kapag nakasakay sa nakabibinging ingay sa loob ng jeep.



Kadalasang kinaiinisan:
  • Karamihan sa mga driver at assistant ng driver sa mga jeep ay nagpapatugtog ng mga rap songs na sila lang naman ang may gusto doon.
  • Dahil rap songs, dapat lakasan ang volume na parang nasa loob lang ng bahay pinapatugtog.
  • Dumadagundong ang buong upuan, (nakalagay sa ilalim ng mga upuan ang mga malalaking speaker.) Masakit sa tenga at puwitan.
  • Eto na ang isa sa mga pinaka-nakakainis. Ikaw ay magbabayad o papara o tinatanong ng driver kung saan ka bababa pero hindi kayo magkaintindihan dahil sa napakalakas na tugtugan. Sa katunayan, ayaw pang hinaan ng mga driver ang kanilan sound system kahit kapwa na sila sumisigaw dahil sa hindi magkarinigan.
Tandaan, na iba't-iba ang pananaw natin sa mga kagustuhan ng ibang tao. Pero dapat sila rin ay may limitasyon na hindi lang dapat sila ang masisiyahan.

1 comment:

jack dias said...

Thank you for sharing this information, Its has help me to know more about Sound Booster For Windows 10

Post a Comment