Sa Pilipinas, ang kadalasang ginagamit na transportasyon ay ang mga 'Jeepney' o mas kilala sa tawag na 'Jeep'. Dahil ito ay isa sa mga pang-masa na sasakyang pampubliko.
Siguro ay nakailang beses ka nang nakasakay sa isang Jeep. Mapapansin natin na iba't iba ang ugali ng ilang Jeepney drivers. May mga drayber na mabait, matapat, at masunurin sa batas.
Pero sa kabilang banda, napansin ko na medyo dumarami ang mga drayber na barubal. Mga tipong sila na nga ang may kasalanan, sila pa ang ang may tapang na magalit. Halimbawa, ikaw ay nakasakay at magbabayad na. Ang halaga ng pamasahe mo papunta sa lugar na iyon ay pitong piso (P7.00) lamang. Nagbayad ka ng sampu or dalawampung piso (P10.00 or P20.00). Magugulat at magtataka ka dahil malapit ka nang bumaba pero hindi ka pa rin sinusuklian ng drayber, samantalang alam mong dapat may sukli pa ang iyong ibinayad. May kakaiba bang nangyayari sa ganitong sitwasyon?
Ito ay ilan sa mga 'di kagandahang ugali ng mga Jeepney drivers:
Pamasahe
- Nagagalit sila kapag sakto ang ibinayad mong pamasahe na para sa kanila ay kulang.
- Hindi nila inaalala kung sino ba ang mga tunay na nagbabayad. Sa huli pagbaba mo, ikaw pa ang masisigawan dahil akala nila ay hindi ka nagbayad.
- Nagbibingi-bingihan sila kapag mayroong tumutubos ng sukli. Kapag alam nilang mukhang pwedeng utuin ang pasahero, sigurado hindi nila ito susuklian ng kusa.
Pasahero
- Pagkatagal-tagal humatak ng pasahero.
- Nakakais diba kapag pare-pareho niyo na ngang nakikita na wala ng tao doon sa lugar, ayaw pang lumarga.
- Minsan nagmamadaling humabol bago mag Red light ng traffic light, para lang makipag-agawan ng pasahero sa bandang unahan.
- Sanhi ng trapik sa mga mataong lugar.
Paglarga
- Pagkasakay, hindi pa nakakaupo. Sige! humaharurot agad. (Ang masama dito ay kapag mga bata, may-edad o matatanda ang sumasakay. Maaring madisgraya ang kapag hindi nakakuha ng bwelo.)
- Karamihan ay kaskasero. Ang iba naman ay ubod ng bagal.
Meron pa ba akong nakaligtaan? Sigurado marami pa tayong reklamo tungkol sa ibang Jeepney drivers.
Ang kabutihan naman sa ilan ay ang mga sumusunod:
- Mapagbigay. Makikita natin ito sa mga lansangang madaling magkaroon ng trapik. Nagbibigay sila para sa mga nagmamadaling motorista. Pati na sa mga taong tumatawid sa kalye.
- Pumapayag sila sa biglaang pag-aarkila habang nagbibiyahe para sa private service.
Masarap sumakay sa mga Jeepney, iba't iba man ang pagpapatakbo ng drayber. Sariwang hangin o maitim na usok depende sa sitwasyon.
Mahal naming mga jeepney drivers, sana po ay magkaroon tayo ng makatarungan sistema ng pamasahe at maayos na paghakot ng pasahero. Sa atin din sasalamin ang mga bunga ng gagawin nating pagbabago.
No comments:
Post a Comment