Ang tao sa ating 1 Piso. Ang ating pambansang bayani, si Dr.Jose Rizal. Ngayong araw ay ang pag-alala sa kamatayan ng ating bayani. Disyembre 30, 1896 ang eksaktong araw ng kanyang kamatayan.
Sa panahon natin ngayon, hindi lang ang mga nakikipaglaban para sa kalayaan ang itinuturing na bayani. Pati na rin ang mga kababayan nating OFW na handang iwan ang pamilya dito para lang makapag-hanapbuhay sa ibang bansa. Mahirap dahil iba ang kultura at lahi ang pakikisamahan nila. Kasama na rin ang ating mga kapulisan at sundalo. Handa silang makipagsapalaran para maipagtanggol ang nasasakupan. Sila ay ilan lang sa mga makabagong bayani.
Tulad ni Dr.Jose Rizal at ng mga makabagong bayani, gusto rin nilang maging matiwasay ang kanilang lupang sinilangan. Hindi nila iniisip na kilalanin sila bilang bayani. Pero ang kanilang mga gawa ay maituturing na kabayanihan para sa bansa.
Si Jose Rizal, isang marangal na dugong Pilipino. Ang kanyang kamatayan ay naghahatid sa atin ng magandang simula para makagawa rin tayo ng isang simpleng kabayanihan.
No comments:
Post a Comment